BREAKING: PDEA Director General Wilkins Villanueva nagpositibo sa COVID-19
Positibo sa COVID-19 si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Wilkins Villanueva.
Ayon kay Villanueva, bilang paghahanda sa pagdalo niya sa Senate Inquiry sa Lunes (March 15) ay sumailalim siya sa swab test sa Chinese General Hospital noong Sabado (March 13).
Ngayong Linggo (March 14) ng umaga, lumabas ang resulta na siya ay positibo sa COVID-19.
Sa mga nakasalamuha niya nitong nagdaang mga araw, hiniling ni Villanueva sa mga ito na gumawa na mga nararapat na hakbang.
Nakasailalim na ngayon sa isolation si Villanueva.