BREAKING: Pamahalaan nagpatupad na din ng travel ban sa Portugal, India, Finland, Norway, Jordan at Brazil

BREAKING: Pamahalaan nagpatupad na din ng travel ban sa Portugal, India, Finland, Norway, Jordan at Brazil

Kasama na ang mga bansang Portugal, India, Finland, Norway, Jordan, at Brazil sa mga bansang sakop ng travel ban na ipinatutupad ng pamahalaan para maiwasan ang pagpasok sa bansa ng UK variant ng COVID-19

Sa pahayag sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na inaprubahan ng Office of the President ang rekomendasyon ng Department of Health at ng Department of Foreign Affairs na isama ang nasabing mga bansa sa sakop ng umiiral na travel restrictions.

Dahil dito ayon kay Roque, simula January 8, 2021 alas 12:01 ng madaling araw (Manila time), lahat ng dayuhang pasahero mula o nagtungo sa Portugal, India, Finland, Norway, Jordan, at Brazil sa nakalipas na 14 na araw ay hindi na papayagang pumasok sa Pilipinas.

Tatagal ang ban hanggang January 15, 2021.

Agn mga dayuhang galing sa nasabing bansa na darating sa Pilipinas bago may 12:01 ng madaling araw ng January 8 ay papayagang makapasok sa bansa pero sasailalim sila sa istriktong 14-day quarantine period kahit negatibo ang resulta ng kanilang COVID-19 test.

Ang mga Filipino citizens na galing sa nabanggit na mga bansa ay hindi sakop ng travel ban pero kailangan ding sumailalim sa facility-based 14-day quarantine period kahit negatibo ang kanilang RT-PCR test result. (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *