BREAKING: “NCR Plus” sasailalim muli sa ECQ sa loob ng isang linggo

BREAKING: “NCR Plus” sasailalim muli sa ECQ sa loob ng isang linggo

Muling isasailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang National Capital Region at mga kalapit nitong lalawigan na Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Ang pag iral ng GCQ ay magsisimula sa March 29 ng umaga at tatagal hanggang April 4.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, habang umiiral ang GCQ, ang curfew ay paagahin at gagawing mula 6pm to 5am

Exempted sa curfew ang mga APOR o yung mga authorized person outsode residence gaya ng mga health workers, iba pang frontline workers at ung mga nagtatrabaho sa mga establisyementong pwedeng magbukas.

Magkakaroon ng mas mataas na presensya ng pulis at militar sa mga lugar na sakop ng ECQ.

Tanging essential establishments lamang ang papayagan na magbukas.

Dahil din nagpatupad na ng ECQ nabalewala na ang naunang pagpayag ng IATF na makapagsagawa ng once a day public mass sa mga simbahan sa Holy Week.

Bawal na kasi totally ang mass gathering. Mahigpit na ipagbabawal ang pagtitipon ng 10 katao o higit pa sa labas ng mga tahanan.

Ang DOTR ay magpapalabas ng guidelines tungkol sa pagbiyahe ng mga pampubliko at pribadong sasakyan ayon kay Roque kabilang na ang patungkol sa international flights.

Ayon kay Roque, ityinempo ang ECQ sa Holy Week at inaasahang minimal lang ang magiging epekto nito sa trabaho dahil wala namang pasok sa Huwebes Santo, Biyernes Santo at Sabado de Gloria.

Bukas ang mga essential establishments gaya ng palengke, supermarket at groceries.

Sarado muli ang mga mall maliban lamang sa mga essential stores sa loob nito gaya ng drug stores, groceries at hardware.

Bawal ang dine in sa mga restaurant at pwede lamang silang magbukas para sa take out.

Umaasa ang pamahalaan na ang naunang ipinatupad na mas mahigpit na GCQ at itong ipatutupad na ECQ ay makatutulong upang mapababa ang kaso ng COVID 19.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *