BREAKING: Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa umabot sa mahigit 7,000; 199 pa ang pumanaw
Nakapagtala ng mahigit 7,000 pang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Huwebes, June 3 ay 1,247,899 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 7,217 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 1,170,752 ang gumaling o katumbas ng 93.8 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 3,483 na gumaling.
55,790 naman ang active cases o katumbas ng 4.5 percent.
21,357 na ang kabuuang death toll sa bansa o 1.71 percent makaraang makapagtala ng dagdag na 199 pang pumanaw.