BREAKING: Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa umabot sa mahigit 5,000; 146 pa ang pumanaw
Nakapagtala ng mahigit 5,000 pang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Miyerkules, June 2 ay 1,240,716 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 5,257 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 1,167,426 ang gumaling o katumbas ng 94.1 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 6,266 na gumaling.
52,132 naman ang active cases o katumbas ng 4.2 percent.
21,012 na ang kabuuang death toll sa bansa o 1.70 percent makaraang makapagtala ng dagdag na 46 pang pumanaw.