BREAKING: Mas mahigpit na GCQ paiiralin sa NCR, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal sa loob ng dalawang linggo

BREAKING: Mas mahigpit na GCQ paiiralin sa NCR, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal sa loob ng dalawang linggo

Dahil sa dumaraming kaso ng COVID-19 sa bansa inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force na isailalim sa General Community Quarantine sa susunod na dalawang linggo ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sa ilalim ng pag-iral ng GCQ ay mistulang magkakaroon ng “bubble” sa nabanggit na mga lugar dahil hindi papayagan ang paglalabas-masok dito mula March 22 hanggang April 4.

Tanging ang mga APOR o authorized persons outside of residences ang papayagan na maglabas-masok sa mga lugar na sakop ng GCQ.

Kasama sa ipagbabawal ayon kay Roque ang pagbiyahe pauwi ng probinsya, kabilang na ang mga bibiyahe ng probinsya para doon gunitain ang Holy Week.

Mananatili naman ang pagbiyahe ng mga pampublikong transpotasyon bagaman hinihikayat ng pamahalaan ang publiko na magbisikleta na lamang o kaya ay maglakad.

Ipinagbawal ang lahat ng uri ng mass gathering, kasama ang religious gathering. Papayagan pa din ang kasal, libing at binyag pero limitado sa hanggang 10 katao lamang.

Bawal din ang indoor dine-in at papayagan lamang ang dine-in sa mga open spaces.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *