BREAKING: Mahigit 8,000 na bagong kaso ng COVID-19 naitala ng DOH; highest single-day tally simula ng magkaroon ng pandemya
Nakapagtala muli ang Department of Health (DOH) ng malaking bilang ng dagdag na kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ay makaraang umabot sa mahigit 8,000 ang nadagdag na bagong kaso ng sakit sa magdamag.
Sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH) alas 4:00 ng hapon ngayong Lunes (March 22), umabot na sa 671,792 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 8,109 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 577,850 ang gumaling o katumbas ng 86 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 103 na gumaling.
80,970 naman ang active cases o katumbas ng 12.1 percent.
95.4 percent ng mga aktibong kaso ay mild lamang ang sintomas, 2.2 percent ang asyptomatic, 0.9 percet ang kritikal at 1 percent ang severe.
Habang nakapagtala pa ng dagdag na 4 pang pumanaw sa sakit.
12,972 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.93 percent.