BREAKING: Magnitude 6.4 na lindol tumama sa San Agustin, Surigao del Sur
Niyanig ng magnitude 6.4 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Sur.
Naitala ng PHIVOLCS ang pagyanig sa layong 11 kilometers northwest ng bayan ng San Agustin alas 6:37 ng umaga ngayong Lunes, Nov. 16.
May lalim na 58 kilometers ang lindol at tectonic ang origin nito.
Naitala ang sumusunod na intensities:
– Intensity V- Bislig City
Instrumental Intensities:
Intensity IV- Bislig City
Intensity III- Gingoog City, Misamis Oriental
Intensity II- Cagayan de Oro City; Surigao City, Surigao del Norte;
Intensity I- Alabel, Sarangani; Koronadal, Tupi, South Cotabato; Kidapawan City; Palo, Leyte; Borongan City
Ayon sa Phivolcs, maaring makapagtala ng aftershocks bunsod ng pagyanig.
Maari ding nagdulot ng pinsala ang naturang lindol.