BREAKING: Magnitude 5.0 na lindol tumama sa Batangas; pagyanig naramdaman sa ilang bahagi ng Metro Manila
Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang lalawigan ng Batangas.
Ayon sa datos mula sa PHIVOLCS, naitala ang epicenter ng lindol sa 9 kilometers west ng Mabini, Batangas ala 1:25 ng hapon.
2 kilometers lang ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Ayon sa ilang netizens sa Metro Manila, naramdaman din nila ang pagyanig.
Sa datos ng PHIVOLCS, naitala ang sumusunod na intensities:
Reported Intensities:
Intensity IV- Mabini, San Luis, Lemery, Rosario, Agoncillo, Calatagan, Balayan, Bauan, Sta. Teresita, Batangas; Tagaytay City, Alfonso & Amadeo, Cavite
Intensity III- Batangas City; Malvar, Talisay, Tanauan, Alitagtag Batangas; San Pablo, Laguna
Intensity II- Quezon City; Mandaluyong City; Navotas City; Majayjay, Laguna; Dolores, Quezon
Intensity I- Malabon City; Pasay City; Talisay, Batangas; Sta. Cruz, Laguna
Instrumental Intensities:
Intensity IV- Calatagan, Batangas; Tagaytay City
Intensity II- Muntinlupa City; Dolores, Quezon
Intensity I- Quezon City; Carmona and Bacoor City, Cavite; Mauban, Quezon; Talisay, Batangas