BREAKING: Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, mahigit 139,000 na; halos 3,000 ang nadagdag
Mayroong nadagdag na halos 3,000 na kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sa inilabas na case bulletin ng Department of Health (DOH) ngayong araw ng Martes (August 11), umabot na sa 139,538 ang confirmed cases ng COVID-19.
Mayroong nadagdag na 2,987 na bagong napaulat na kaso.
Nakuha ang mga datos mula sa 74 out of 99 licensed laboratories.
Sa kabuuang bilang, 68,794 ang aktibong kaso.
Nasa 19 ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 2,312 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 280 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 68,432 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.