BREAKING: DOH nakapagtala ng 4,600 na bagong kaso ng COVID-19
Nakapagtala ng 4,600 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Linggo, Jan. 2 ay 2,851,931 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 2,778,943 ang gumaling o katumbas ng 97.4 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 535 na gumaling.
Sumampa na sa 21,418 ang aktibong kaso ng COVID-19 ng 0.8 percent.
Nasa 51,570 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.81 percent makaraang makapagtala ng 25 pang pumanaw. (DDC)