BREAKING: DOH nakapagtala ng 21,819 na bagong kaso ng COVID-19
Nakapagtala ng 21,819 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Biyernes, Jan. 7 ay 2,910,664 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 2,781,424 ang gumaling o katumbas ng 95.6 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 973 na gumaling.
Sumampa na sa 77,369 ang aktibong kaso ng COVID-19 ng 2.7 percent.
Nasa 51,971 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.78 percent makaraang makapagtala ng 129 pang pumanaw. (DDC)