BREAKING: DOH nakapagtala lang ng mahigit 2,000 na bagong kaso ng COVID-19; pinakamababa sa nakalipas na walong buwan
Nakapagtala lamang ng mahigit 2,000 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Martes, Nov. 2 ay 2,792,656 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 2,303 ang dagdag na mga kaso. Ito na ang pinakamababang bilang ng bagong kaso ng sakit sa nakalipas na walong buwan.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 2,708,466 ang gumaling o katumbas ng 97 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 4,677 na gumaling.
40,786 naman ang active cases o katumbas ng 1.5 percent.
Nasa 43,404 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.55 percent makaraang makapagtala ng 128 pang pumanaw. (DDC)