BREAKING: DOH nakapagtala lang ng 288 na bagong kaso ng COVID-19
Nakapagtala lamang ng 288 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Huwebes, Dec. 23 ay 2,837,903 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 2,777,671 ang gumaling o katumbas ng 97.9 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 270 na gumaling.
9,251 naman ang active cases o katumbas ng 0.3 percent.
Nasa 50,981 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.80 percent makaraang makapagtala ng 65 pang pumanaw. (DDC)