BREAKING: DOH kinumpirmang may UK variant na ng COVID 19 sa Pilipinas

BREAKING: DOH kinumpirmang may UK variant na ng COVID 19 sa Pilipinas

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na mayroon nang UK variant ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa DOH na-detect ng Philippine Genome Center (PGC) ang B.1.1.7. SARS-CoV-2 variant (UK variant) mula sa isang Filipino na galing ng UAE at dumating sa bansa noong Jan. 7 na nagpositibo sa genome sequencing.

Ang pasyente ay isang lalaki, residente ng Quezon City na umalis ng Pilipinas noong December 27, 2020 patungong Dubai para sa business purposes at bumalik sa Pilipinas lulan ng Emirates Flight No. EK 332 noong Jan. 7.

Isinailalim ito sa swab test at quarantine sa hotel nang dumating sa bansa.

January 8 nang lumabas ang resulta na positibo siya sa COVID-19 at ang samples na kinuha sa kaniya ay pinasailalim sa genome sequencing.

Ang babaeng kasama ng pasyente sa kaniyang biyahe ay negatibo naman sa SARS-CoV-2 nang dumating sa bansa.

Ang naturang babae ay nakasailalim sa istriktong quarantine at monitoring.

Kapwa walang exposure sa COVID-19 patient ang dalawa bago umalis ng Dubai.

Nagsagawa na ng contact tracing ang pamahalaan sa pakikipag-ugnayan sa QC government, at ang mga natukoy na contacts ay pawang asymptomatic at isinailalim na sa home quarantine.

Nakuha na din ng DOH ang flight manifest ng sinakyang eroplano ng pasyente at nagpapatuloy na ang contact tracing sa mga pasahero.

Payo ng DOH sa mga pasahero ng Emirates Flight No. EK 332 makipag-ugnayan na sa kanilang BHERTs.

Tiniyak naman ng DOH na palalakasin pa ang weekly genomic biosurveillance sa mga umuuwing pasahero. (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *