BREAKING: COVID-19 vaccine ng AstraZeneca pinagkalooban na ng EUA ng FDA

BREAKING: COVID-19 vaccine ng AstraZeneca pinagkalooban na ng EUA ng FDA

Pinagkalooban na ng emergency use authorization (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA) ang COVID-19 vaccine ng AstraZeneca.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, 70% na epektibo ang bakuna.

Sinabi ni Domingo na matapos ang masusing konsiderasyon ay nakamit ng AstraZeneca ang mga kondisyon para sa EUA.

Base aniya sa mga ebidensya kabilang ang mga datos, may sapat na basehan upang paniwalaan na ang COVID-19 vaccine ay maaring epektibo para maiwasan ang pagkakaroon ng sakit.

Ayon kay Domingo ang COVID-19 vaccine ng AstraZeneca ay maaring itago sa 2 degrees to 8 degrees kaya mas madali ang transportation at storage nito.

Magugunitang karamihan sa mga lokal na pamahalaan ay nag-advance order na ng AstraZeneca vaccine. (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *