BREAKING: 11 contacts ng lalaking tinamaan ng UK variant ng COVID-19 variant, nagpositibo sa COVID-19
Nagpositibo sa sakit na COVID-19 ang labingisag contacts ng pasyenteng unang kaso ng UK variant ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sa virtual press briefing, sinabi ni Health Usec. at Spokerperson Ma. Rosario Vergeire, kasama sa nagpositibo sa COVID-19 ay ang girlfriend ng 29-anyos na lalaking pasyente at kaniyang ina.
Ang girlfriend ay una nang nagnegatibo sa COVID-19 subalit isinailalim ito sa re-swabbing at positibo ang naging resulta.
Ayon pa kay Vergeire, nagpositibo din sa sakit ang walo na iba pang pasahero ng EK 332 ng Emirates Flight.
Ang samples na nakuha mula sa 11 pasyente ay dinala na sa Philippine Genome Center para masuri.
Ang lalaki na unang kaso ng UK variant ng COVID-19 ay stable na ang kondisyon at patapos na sa kaniyang isolation period.