Blood supply ng Philippine Red Cross malapit nang umabot sa critical level
Malapit nang umabot sa critical level ang kasalukuyang supply ng dugo sa Philippine Red Cross (PRC).
Bunsod ito ng madaming pangangailangan ng dugo ngayong mayroong pandemic ng COVID-19 at nasabay pa ang dengue season.
“Our blood supply is nearing critical levels due to the COVID19 pandemic,” ayon sa Red Cross.
Kasabay nito nananawagan ang Red Cross sa publiko na mag-donate ng dugo.
Sa mga nais mag-donate, maaring tumawag sa sumusunod na Donor Recruitment Officers ng PRC:
National Blood Center Tower
09178348276 – Nurse NiƱa
09352774842 – Nurse Jennica
National Blood Center Port Manila
09178033160 – Nurse Jonathan/Nurse Thea
Ayon sa Red Cross, ligtas ang mag-donate ng dugo kaya walang dapat na ipag-alala.
Mahigpit umano ang pagsunod ng mga blood bank staff sa safety protocols.(END)