Blessed Souls Chapel sa loob ng Manila Cathedral bubuksan sa publiko para sa paggunita ng Undas
Bubuksan sa publiko ang Blessed Souls Chapel sa loob ng Manila Cathedral simula sa Ocotober 1 hanggang sa November 9.
Ang Blessed Souls Chapel ay dedicated sa pag-aalay ng dasal para sa mga yumaong mahal sa buhay.
Maaring mag-offer ng Mass intentions para sa mga kaluluwa sa harapan ng marble relief ni Mary, Refuge of Sinners.
Maari ding magsindi ng votive candles para sa mga yumao sa harapan ng replica ng Pietá ni Michaelangelo
Ang pagbubukas sa Blessed Souls Chapel ay pagtugon sa panawagan ni Bishop Broderick Pabillo na gawing bukas ang mga simbahan sa pagdarasal para sa panahon ng Undas dahil isasara ang mga sementeryo. (END)