Biyahero mula Pilipinas nagpositibo sa UK variant ng COVID-19 pagdating sa Pilipinas
Isang pasahero na galing ng Pilipinas ang nagpositibo sa UK variant ng COVID-19 pagdating sa Hong Kong.
Ayon kay Dr. Chuang Shuk-kwan, pinuno ng Communicable Disease Branch ng Center for Health Protection ng Hong Kong, dumating sa Hong Kong ang biyahero sakay ng Philippine Airlines flight PR300 noong Disyembre 22.
Inanunsyo ito ni Chuang sa ipinatawag na press briefing.
Ang iba pang pasahero na nagpositibo sa UK variant ng COVID-19 sa pagitan ng Dec. 22 hanggang Jan. 4 galing ng UK at France.
Kabilang sa mahigpit na protocols na ipinatutupad sa Hong Kong ay ang pagsasailalim sa 21 araw na quarantine ng mga pasaherong dumarating doon.
Kaugnay nito, hiniling na ng Department of Health (DOH) ang detalye mula sa Hong Kong government.
Humihiling na din ng kopya ang DOH ng flight manifest mula sa PAL. (D. Cargullo)