Biyahe mula Malolos to Tutuban magiging 35-minutes na lang; konstruksyon sa PNR Clark Phase 1 puspusan na

Biyahe mula Malolos to Tutuban magiging 35-minutes na lang; konstruksyon sa PNR Clark Phase 1 puspusan na

Puspusan na ang isinasagawang konstruksyon sa PNR Clark Phase 1(Malolos to Tutuban) segment ng North South Commuter Railway (NSCR) project.

Hanggang noong December 31, 2020 ay nasa 42.66 percent na ang overall progress rate ng proyekto.

SA kabila ng pandemya ng COVID-19 ay nagpatuloy ang construction works sa proyekto kasabay ng pagtitiyak ng pagsunod sa health protocols.

Ang 38-km PNR Clark Phase 1, ay isa sa tatlong segments ng NSCR Project at bahagi ng “BUILD BUILD BUILD” program ng Duterte administration.

Inaasahang magkukunekta ito sa Central Luzon, Metro Manila, at CALABARZON.

Sa sandaling matapos na ang PNR Clark Phase 1 mapapababa na ang travel time mula Tutuban, Manila to Malolos, Bulacan sa 35 minuto na lamang mula sa kasalukuyang isa at kalahating oras. (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *