Bishop David nahalal bilang bagong CBCP President
Nahalal bilang presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) si Kalookan Bishop Pablo Virgilio David.
Si David ay nahalal sa unang araw ng online plenary assembly ng mga obispo ayon sa ulat ng CBCP News.
Si David ay nagsilbi bilang CBCP Vice President simula December 2017.
Samantala, nahalal din sa plenary assembly si Bishop Mylo Hubert Vergara ng Pasig bilang bagong CBCP Vice President.
Ang mga bagong halal na opisyal ng CBCP ay magsisimulang manungkulan sa Dec. 1, 2021. (Dona Dominguez-Cargullo)