LPA sa Zamboanga City nalusaw na; Eastern Visayas apektado pa din ng Tail-End of a Frontal System
Nalusaw na kaninang alas 8:00 ng umaga ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) ng PAGASA sa Zamboanga City.
Ayon sa PAGASA nananatili namang apektado ng Tail-End of a Frontal System (Shear Line) ang Eastern Visayas.
Sa susunod na 24 na oras, ang Tail-End of a Frontal System ay magdudulot pa din ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa Samar Provinces.
Mahina hanggang katamtamang pag-ulan naman ang mararanasan sa nalalabi pang bahagi ng Eastern Visayas, Bicol region, Dinagat Islands, at Surigao del Norte. (D. Cargullo)