Binabantayang LPA ng PAGASA maliit ang tsansang maging bagyo
Maliit ang tsansa na mabubuo bilang ganap na bagyo ang binabantayang Low Pressure Area ng PAGASA.
Ang LPA ay huling namataan sa layong 190 kilometers south southwest ng Puerto Princesa City, Palawan.
Nananatili namang apektado ng Tail-End of a Frontal System ang eastern sections ng Northern at Central Luzon.
Ayon sa PAGASA, sa susunod na 24 na oras, makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan at kung minsan ay matinding pag-ulan sa Isabela, eastern portion ng mainland Cagayan, at sa northern at central portions ng Aurora.
Katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan naman ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng Cagayan Valley at Aurora.
Habang mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Cordillera Administrative Region, Nueva Ecija, northern portion ng Quezon kabilang ang Polillo Islands, at sa southern portion ng Palawan kabilang ang Balabac Island. (D. Cargullo)