Binabantayang LPA ng PAGASA magpapaulan sa Northern Luzon; malaking bahagi ng bansa apektado ng ITCZ

Binabantayang LPA ng PAGASA magpapaulan sa Northern Luzon; malaking bahagi ng bansa apektado ng ITCZ

Isang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa loob ng bansa.

Huling namataan ng PAGASA ang LPA sa layong 170 kilometers north northeast ng Basco, Batanes.

Batay sa weather forecast ng PAGASA, ang LPA ay maghahatid ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Batanes at Babuyan Group of Islands.

Samantala, apektado naman ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.

Dahil sa ITCZ, ang Bicol Region, Eastern Visayas, Marinduque, Romblon, at Mindoro Provinces ay makararanas din ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan.

Ang Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap na papawirin na mayroong isolated na pag-ulan.

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *