Bilang ng nakauwing OFWs mula Israel umakyat na sa 59
Umabot na sa 59 na Overseas Filipino Workers (OFWs) ang nakauwi sa bansa mula sa Israel.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), ang mga ito ay humiling ng repatriation assistance sa gitna ng Israel-Hamas conflict.
Kasama sa mga benepisyo ng mga nasabing OFWs ay ang tulong pinansyal na P100,000 mula sa Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), care kits, food packs, tulong medikal, at iba pa.
May nakahanda na ring reintegration program para sa mga nais nang manirahan muli sa bansa. (DDC)