Bilang ng mga stranded na pasahero sa mga pantalan, nabawasan na
Nabawasan na ang bilang ng mga stranded na pasahero sa mga pantalan na naapektuhan ng Typhoon Odette.
Sa Maritime Safety Advisory ng Philippine Coast Guard (PCG), nakapagtala na lamang ng 869 na pasahero, drivers, at cargo helpers na stranded sa mga pantalan.
Mayroon ding 637 rolling cargoes; 42 barko at 1 motorbanca na hindi pa makabiyahe sa mga pantalan sa Eastern Visayas, Central Visayas, at North Eastern Mindanao.
Habang mayroong 163 na barko at 106 motorbanca ang pansalamantang nagkakanlong sa ligtas na lugar at hindi rin muna bumiyahe. (DDC)