Bilang ng mga Pinoy crew ng barko sa Australia na positibo sa COVID-19 nadagdagan pa

Mayroong walo pang Pinoy crew na nagpositibo sa COVID-19 sa isang barko na nakadaong sa Western Australia.

Ayon sa Department of Health Western Australia, labingpito na ang kabuuang bilang ng Filipino crew members na positibo sa COVID-19.

Sila ay pawang crew ng barkong Patricia Oldendorff na nakadaong sa Port Hedland.

Ang walong nadagdag na pasyente ay inilipat sa isang hotel at doon isasailalim sa quarantine.

Sa pahayag ng departamento, sa 17 positibo, 7 ang nananatili sa barko at 10 ang nasa hotel na.

Ang barko ay mayroong 20 crew at ang kapitan nito. Kaya sa kabuuang 21, apat lang ang nag-negatibo sa COVID-19.

Pawang maayos naman ang kondisyon ng mga nagpositibong Pinoy at nakausap na rin nila ang kanilang pamilya.

Sa pahayag ng shipping company na Oldendorff Carriers, ang mga Pinoy crew ay bahagi ng ginawang crew change sa Pilipinas noong September 5.

Lahat ng crew ay isinailalim muna sa quarantine bago sumampa sa barko.

Limang araw bago ang kanilang boarding ay nag-negatibo lahat sila sa COVID-19.

Pagdating sa Australia noong September 16, dalawa sa mga crew ang sumama ang pakiramdam kaya agad isinailalim sa swab test. (END)

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *