Bilang ng mga pasahero na naapektuhan ng service interruption ng MRT-3 Miyerkules ng gabi, mahigit 3,500
Umabot sa 3,559 na mga pasahero ang naapektuhan ng service interruptions ng MRT-3 kagabi (Dec. 16).
Sa inilabas na pahayag ng pamunuan ng MRT-3 ngayong (Dec. 17) umaga, isang tren ang nagkaroon ng technical glitch bago sumapit sa Boni Station northbound alas 7:20 ng gabi.
Alas 10:41 na ng gabi nang madala sa depot para sa repair at troubleshooting ang tren.
Humingi ng paumanhin ang MRT-3 sa mga pasaherong naapektuhan ng ipinatupad na provisional service.
Dahil kasi sa naturang problema ang naging biyahe ng MRT-3 ay mula North Avenue Station lamang hanggang Shaw at pabalik.