Bilang ng mga pamilyang nakatanggap na ng 2nd tranche ng SAP umabot na sa mahigit 13.7 million
Umabot na sa mahigit P82 billion ang halaga ng naipamahaging 2nd tranche ng Social Amelioration Program (SAP).
Batay sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), hanggang gabi ng Sept. 7, 2020 ay umabot na sa P82.1 bilyon ang halaga ng na-disburse na pondo para sa 2nd tranche ng SAP.
Ang nasabing halaga ay naipamahagi sa 13,780,099 na pamilyang benepisyaryo.
Una nang sinabi ni DSWD Sec. Rolando Bautista na batay sa mga aral na natutunan sa unang pamamahagi ng SAP ay inayos ng ahensya ang sistema.
Kabilang sa pagbabago ay ang pagkakaroon na ng digital payment sa pamamahagi ng SAP. / END