Bilang ng mga pamilyang nakatanggap na ng 2nd tranche ng SAP umabot na sa mahigit 13.2 million

Bilang ng mga pamilyang nakatanggap na ng 2nd tranche ng SAP umabot na sa mahigit 13.2 million

Umabot na sa mahigit P79 billion ang halaga ng naipamahaging 2nd tranche ng Social Amelioration Program (SAP).

Batay sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), hanggang noong gabi ng August 22, 2020 ay umabot na sa P79.3 bilyon ang halaga ng na-disburse na pondo para sa 2nd tranche ng SAP.

Ang nasabing halaga ay naipamahagi sa 13,285,248 na pamilyang benepisyaryo.

Una nang sinabi ni DSWD Sec. Rolando Bautista na batay sa mga aral na natutunan sa unang pamamahagi ng SAP ay inayos ng ahensya ang sistema.

Kabilang sa pagbabago ay ang pagkakaroon na ng digital payment sa pamamahagi ng SAP. (END)

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *