Bilang ng mga nawawalang sabungero nadagdagan pa
Umabot na sa 31 ang bilang ng mga nawawalang sabungero na iniimbestigahan ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay PNP Chief, Police General Dionardo Carlos, dalawa pa ang nadagdag na napaulat na nawawala sa Laguna ayon sa Special Investigation Task Group.
Nagsumite ng sworn statements ang mga kaanak ng dalawa pang biktima at sinabing ang mga ito ay nagpunta sa sabungan noong May 11, 2021 sa Sta Cruz, Laguna.
Batay sa imbestigasyon, dalawang grupo, dalawang grupo ng cockfighting aficionados mula sa Bulacan ang nagpunta sa nasabing sabungan.
Ang unang grupo ay dumating sa noong May 10, 2021, habang ang ikalawa ay dumating noong May 11, 2021.
Sa ngayon ayon kay Carlos, nakikipag-ugnayan ang Task Group sa iba’t ibang mga bangko kukng saan may napaulat na ATM cash withdrawals gamit ang bank account ng mga biktima. (DDC)