Bilang ng mga mag-aaral na nakapag-enroll na para sa SY 2020-2021 mahigit 23.57 million na
Umabot na sa mahigit 23.57 million na mga mag-aaral ang nakapag-enroll na para sa SY 2020-2021.
Sa datos mula sa Department of Education (DepEd) 23,573,126 na mga mag-aaral na ang nakapagpa-enroll.
Sa nasabing bilang 21,775,473 ang nagpatala sa mga pampublikong paaralan.
1.75 million naman ang nagpa-enroll sa private schools.
Malaking bilang ng enrollees ay sa elementarya na umabot sa 11,453,868.
May nagpa-enroll din na 7,430,962 para sa junior high school habang 2,618,903 sa senior high school.
Madaragdagan pa ang bilang ng enrollees dahil patuloy pa ang enrollment sa ilang pribadong paaralan.