Bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Quezon City mahigit 157,000 na
Nagkaroon pa ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.
Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 167,731 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng sakit sa lungsod hanggang 8:00 ng umaga ng Linggo, Oct. 3.
Samantala, nasa 9,089 o katumbas ng 5.42 percent ang itinuturing na aktibong kaso ng sakit.
157,212 o 93.73 percent naman ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod.
Habang 1,430 o 0.85 percent ang nasawi. (DDC)