Bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Quezon City 31,721 na
Nagkaroon pa ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.
Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 34,897 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng sakit sa lungsod hanggang 8:00 ng umaga ngayong Huwebes, March 11.
Samantala, nasa 2,317 o katumbas ng anim na porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
31,721 o 91 porsyento ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 859 o tatlong porsyento ang nasawi.