Bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Quezon City 30,995 na
Nagkaroon pa ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.
Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 33,471 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng sakit sa lungsod hanggang 8:00 ng umaga ngayong Biyernes, March 5.
Samantala, nasa 1,627 o katumbas ng limang porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
30,995 o 92 porsyento ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 849 o tatlong porsyento ang nasawi.