Bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Quezon City 30,936 na
Nagkaroon pa ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.
Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 33,261 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng sakit sa lungsod hanggang 8:00 ng umaga ngayong Huwebes, March 4.
Samantala, nasa 1,478 o katumbas ng apat na porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
30,936 o 93 porsyento ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 847 o tatlong porsyento ang nasawi.