Bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Quezon City 30,605 na
Nagkaroon pa ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.
Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 32,449 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng sakit sa lungsod hanggang 8:00 ng umaga ngayong Biyernes, February 26.
Samantala, nasa 1,007 o katumbas ng tatlong porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
30,605 o 94 porsyento ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 837 o tatlong porsyento ang nasawi.