Bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Quezon City 28,774 na
Nagkaroon pa ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.
Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 30,588 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng sakit sa lungsod hanggang 8:00 ng umaga ngayong Huwebes, February 4.
Samantala, nasa 1,003 o katumbas ng tatlong porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
28,774 o 94 porsyento ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 811 o tatlong porsyento ang nasawi.