Bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Quezon City 28,676 na
Nagkaroon pa ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.
Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 30,536 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng sakit sa lungsod hanggang 8:00 ng umaga ngayong Miyerkules, February 3.
Samantala, nasa 1,051 o katumbas ng tatlong porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
28,676 o 94 porsyento ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 809 o tatlong porsyento ang nasawi.