Bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Quezon City, 28,176 na
Nagkaroon pa ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.
Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 30,196 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng sakit sa lungsod hanggang 8:00 ng umaga ngayong Biyernes, January 29.
Samantala, nasa 1,215 o katumbas ng apat na porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
28,176 o 93 porsyento ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 805 o tatlong porsyento ang nasawi. (D. Cargullo)