Bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Quezon City, 27,190 na
Nagkaroon pa ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.
Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 28,912 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00 ng umaga ngayong Huwebes, January 13.
Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QCESU at district health offices.
Samantala, nasa 938 o katumbas ng tatlong porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
27,190 o 94 porsyento ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 784 o tatlong porsyento ang nasawi.
Batay pa sa datos, nasa 145,513 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing. (D. Cargullo)