Bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa QC umabot na sa 29,887
Nagkaroon pa ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.
Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 31,635 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng sakit sa lungsod hanggang 8:00 ng umaga ngayong Huwebes, February 18.
Samantala, nasa 916 o katumbas ng tatlong porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
29,867 o 94 porsyento ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 832 o tatlong porsyento ang nasawi.