Bilang ng mga dayuhan sa bansa patuloy na bumababa ayon sa BI
Tinataya ng Bureau Of Immigration(BI) na patuloy na bababa ang bilang ng mga banyaga sa Pilipinas hanggang sa katapusan ng taon.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, halos 1.5 milyung turista lamang ang dumating sa bansa simula nitong nagdaang Enero hanggang Sityembre.
Halos 2-milyun naman aniya ang mga banyaga na nagsipag-alisan sa Pilipinas sa kaparehong panahon.
Ang ipinatutupad na travel restrictions sa buong mundo sanhi ng COVID-19 Pandemic, anf dahilan ng naturang pangyayari.
Gaya aniya sa mga Overseas Filipino Workers, gusto na rin umuwi sa kani-kanilang mga pamilya ng mga foreign nationals na nasa bansa.
Partikular na tinukoy ni Morente ang mga lugar na dating dinadagsa ng mga banyagang turista na ngayon ay matumal na.
Umaasa naman ang opisyal na unti-unti ay nanunumbalik ang kumpiyansa ng mga dayuhan sa bansa kapag kontrolado na ang pagkalat ng pandemya sa Pilipinas.