Bilang ng active case ng COVID-19 sa Coast Guard, bumaba na

Bilang ng active case ng COVID-19 sa Coast Guard, bumaba na

Bumaba na ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng Philippine Coast Guard o PCG.
Sa pinakahuling ulat ng PCG, aabot na lamang sa 77 ang active cases ng COVID-19 sa mga frontliner ng Coast Guard.

Ito ay dahil mas marami na ang naka-recover o gumaling mula sa naturang sakit o nasa 1,492 recoveries.

Ang maganda pa ring balita, nananatiling “zero death” o walang naitatalang nasawi mula sa kabuuang 1,569 Coast Guard frontliners na tinamaan ng COVID-19.

Tiniyak naman ng PCG na patuloy na mino-monitor ang kalusugan at kalagayan ng mga frontliner nila partikular ang 18 kaso ng umano’y “reinfection.”

Sa bilang na ito, 3 ang nanatiling aktibo habang 15 ang naka-recover mula sa “ikalawa at ikatlong reinfection.”

Nagsasagawa rin ng regular na swab testing sa mga PCG personnel at pinagkakalooban ang mga ito ng suplay ng vitamins, PPE sets, at medical supplies.

Ipinatutupad din ang strategic deployment para nakakapahinga o may work breaks ang mga tauhan ng Coast Guard na abala sa kasagsagan ng paglaban sa pandemya.

Samantala, inaasahang magbubukas na ang sariling quarantine facility ng PCG na magagamit ng mga frontline personnel para sa kanilang pagpapagaling at rehabilitasyon.

 

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *