Biktima ng paputok 122 na ayon sa DOH
Umakyat na sa 122 ang bilang ng mga nabiktima ng paputok sa nakalipas na holiday season.
Isa naman ang nabiktima ng stray bullet ayon sa Department of Health (DOH).
Batay sa pinakahuling Sentinel Report ng DOH sa fireworks-related injuries o FWRI, ang datos ay naitala mula alas 6:00 ng umaga ng Dec. 21, 2020 hanggang 5:59 ng umaga ng Jan. 6, 2021.
Ang naturang bilang ay 290 cases o 70% na mas mababa kumpara sa naitala noong 2019.
Karamihan sa mga nabiktima ng paputok ay naitala sa National Capital Region o NCR at Region 1.
Nangunguna naman listahan ng mga paputok na nakasugat sa mga biktima ay ang kwitis (32 cases); luces (11 cases); 5-star (8 cases); fountain (7 cases) at piccolo (7 cases).
Ang biktima ng ligaw na bala ay isang 52-anyos na lalaki mula Paranaque City na patuloy pang ginagamot sa ospital. (D. Cargullo)