BIDA Program inilunsad sa ng PNP sa MIMAROPA
Inilunsad ang “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” (BIDA) Program ng mga Kapulisan ng PRO-MIMAROPA.
Isinagawa ang launching sa Bulwagang Panlalawigan, Provincial Capitol Complex, Brgy. Camilmil, Calapan City, Oriental Mindoro.
Panauhing pandangal sa naturang aktibidad si Atty. Margarita N. Gutierrez, DILG Undersecretary for Plans, Public Affairs and Communication.
Nilahukan din ito ni Police Lieutenant General Rhodel Sermonia, Deputy Chief for Administration, mga tauhan ng PRO-MIMAROPA, Oriental Mindoro PPO, RSUs MIMAROPA, mga partner agencies tulad ng DILG, PDEA, DSWD, DOLE, TESDA, DOH, LGU, mga iba’t ibang government agencies, Community Anti-Crime Group mula sa iba’t ibang munisipalidad ng Oriental Mindoro, at iba pang mga grupo.
Ang nasabing aktibidad ay sinundan din ng pamamahagi ng food packs para sa mga PWUDs o ang Persons Who Used Drugs.
Ang BIDA Program ay proyekto ni DILG Sec. Benjamin C. Abalos, Jr. na layong matulungan ang mga kabataan na malayo sa ilegal na droga.
Layunin ng BIDA Program na mapigilan ang pagkalat ng bawal na gamot sa komunidad at masugpo ito hanggang sa pinakaugat ng problema. (DDC)