Bicol International Airport mahigit 74 percent nang kumpleto
Umabot na sa 74.132 percent ang completion rate ng Bicol International Airport (BIA).
Nagsimula noong December 2016 ang actual construction ng paliparan.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), February 3, 2021, ang Package 2A ng BIA development project ay 89.784% nang kumpleto.
Bahagi ng Package 2A ang landside facilities ng paliparan gaya ng Administration Building, Air Traffic Control Building, Crash Fire Rescue Building, at ang Maintenance Building.
Samantala, ang Package 2B naman ng airport project ay 52.699 percent nang kumpleto.
Bahagi naman ng Package 2B ang passenger terminal building (PTB), taxiway, runway extension, at iba pang site development works.
Sa sandaling matapos at maging operational, inaasahang aabot sa 2 million airline passengers ang maseserbisyuhan nito kada taon.