Bicol International Airport 72.2 percent nang kumpleto

Bicol International Airport 72.2 percent nang kumpleto

Nasa 72.2 percent na ang completion rate ng itinatayong Bicol International Airport (BIA).

Ang aktwal na konstruksyon sa naturang paliparan ay inumpisahan noon lamang December 2016.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ang Package 2A ng BAI development project ay 88.2 percent nang kumpleto.

Ang construction work sa Package 2A ay pinangungunahan ng Sunwest Construction and Development Corp. sakop ang landside facilities ng paliparan gaya ng Administration Building, Air Traffic Control Building, Crash Fire Rescue Building, at ang Maintenance Building.

Ang Package 2B naman ng airport project ay 49.5 percent nang kumpleto.

Ang E.M. Cuerpo construction company naman ang nangangasiwa sa Package 2B na kinapapalooban ng konstruksyon ng passenger terminal building (PTB), taxiway, runway extension, at iba pang site development works.

Sa sandaling matapos na at maging operational ay inaasahang maseserbisyuhan ng paliparan ang 2 milyong pasahero kada taon. (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *