Bentahan ng face shield sa Divisoria humina
Naging matumal ang bentahan ng face shield sa Divisoria, Maynila.
Kasunod ito ng anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na luluwagan na ng pamahalaan ang regulasyon sa paggamit ng face shield.
Sa Divisoria, bagsak presyo na ang bentahan ng face shield.
Mula sa dating P7 hanggang P10 bawat isa, ay naging P5 hanggang P6 na lang ang bentahan.
Ayon sa ilang nagtitinda, dati ay umaabot sa 5,000 piraso ng face shield ang kanilang nabebenta.
Perp matapos ang anunsyo ng pangulo, nakakalahating araw na ay iilang piraso pa lang ang kanilang naibenta.
Batay sa pahayag ng pangulo, gagamitin na lamang ang face shield sa mga closed na lugar gaya ng ospital, kung close contact ng COVID patient, at sa mga crowded areas.